Copyright © 2011 PollyNomial Stories. All rights reserved.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Disclaimer: I do not own any of the photos & gifs used in this page unless stated. 

 Is Your Crush Meant For You?


Entry

Click mo lang sa baba kung anung part/chapter ang guston basahin.

| Prologue | 

Chapter 1Chapter 2Chapter 3Chapter 4Chapter 5Chapter 6

| Chapter 7 Chapter 8Chapter 9Chapter 10Chapter 11Chapter 12Chapter 13

[VANS’ POV]

 

 


“Ulila na si Celine?”

 

 

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

 

 

Hoy! Wag kayong mag-isip ng kung anuano dyan ha. Baka iniisip niyo pinaimbestigahan ko siya. Sobrang naiintriga lang kasi ako sa kanya kaya nagtanung tanong ako sa mga taong nakakakilala sa kanya.

 

 

At nagulat ako sa nalaman ko.

 

Patay na pala ang mommy ni Celine and it’s because of cancer. Nalaman ko din na wala na siyang tatay. I don’t know kung patay na ba or something pero ang sabi ng mga napagtanungan ko, hindi na daw nakita ni Celine ang tatay niya mula pagkabata. Hindi na nga ata sila nagkakilala eh.

 

Kawawa naman siya. I didn’t thought that a lovely girl like her ay wala ng pamilya although kasama pa naman niya yung lola niya. Pero siyempre iba pa rin kung nanay at tatay ang meron ka.

 

 

I stopped from thinking when I realized something.

 

 

 

Did I just say she’s lovely?

 

 

 

Hindi! Hindi ko sinabi yun. Tsaka bakit ko ba naisip na lovely siya? Ni hindi nga niya ko gusto.

 

Ayaw niya sa akin. Ayaw ko din sa kanya. At bakit ko ba siya pinapakialaman? Hindi ko nga siya kilala!

 

 

 

Damn! Ano ba tong nangyayari sa akin? Grabe! I can’t believe na pinaimbestigahan ko pa siya. Ay! Hindi pala. Nagtanung tanong lang ako tungkol sa kanya. Paki ko ba sa kanya! Bakit ko siya papaimbestigahan?! Ay! Hindi nga imbestiga. Nagtanung tanong lang.

 

 

Crap!

 

 

Paulit ulit na ko dito. Ayaw ko na nga.  Hindi ko na siya iisipin.

 

 

That Celine girl is none of my business!

 

 

 

---

 

 

 

I was inside the classroom doing my seatwork when my classmate suddenly called me.

 


“Vans! Tawag ka daw ni Mr. Marquez.”

 

“Bakit daw?” tanong ko.

 

“Pinapapunta ka niya dun sa office niya. May papagawa ata sa iyo.”

 

“Sige, tapusin ko lang to tas pupunta na ko.”

 

“Vans urgent daw. Kailangan mo nang pumunta ngayon.”

 

“Ngayon na talaga?

 

“Oo.”

 

“Sige na nga punta na ko.”

 

 

Lumabas na ko ng classroom para pumunta ng office ni Mr. Marquez.

 

Ano nanaman kayang sasabihin ng teacher namin sa akin?

 

Everytime kasi na pinapatawag ako nun, may pinapagawa lagi sa akin. Hirap talaga ng matalino. Laging ikaw ng ikaw.

 

Hindi naman sa nagmamayabang ako pero totoo naman na matalino ko. At kahit third year pa lang ako, sinasabi na ng mga teacher namin na ako na daw ang magiging valedictorian sa graduation.

 

 

 

Hahawakan ko na sana yung door knob ng office para buksan yung pinto pero may naunangkamay na humawak dun. Nahawakan ko tuloy yung kamay ng may ari. At nagulat ako dahil nang mahawakan ko yung kamay niya, parang may kuryente. Ano ba yun! Ang corny!

 

 

“Sorry Miss.”

 

“Sorry din”

 

 

Nang iangat ko ang ulo ko para makita siya, nagulat ako. She’s that girl. The girl who didn’t even bother to look at me. Ang babaeng hindi ako type. Ang kaisaisang babaeng hindi ako pinansin.

 

Naku naman! Issue ba talaga sa akin yun?

 

Wala nga akong paki sa kanya diba. Grabe talaga tong babaeng to.

 

 

“B-bakit ka nakatitig sa akin? Hindi pa ba tayo papasok?”

 

 

At talagang ipinapamuka pa niya sa akin na wala siyang paki na ako kaharap niya.

 

 

“Papasok na.” binitawan ko yung kamay niya. Tumalikod ako at nauna nang pumasok ng office. Hindi ako gentleman kaya bakit ko siya papaunahin? Hmp!

 

 

Naiinis din ako dahil yun lang ang nasagot ko sa kanya. Badtrip talaga!

 

 

“Mr. Espiritu. Mabuti at nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay.” Sinalubong na ako ni Sir Marquez.

 

“Oh, andyan ka na din pala Ms. Torralba.” Nakita kong nakatingin sa may likod ko si sir.

 

 

Torralba? Di ba apilyedo ni Celine yun?

 

 

“Yes, sir.” Narinig kong sabi nung girl sa likod ko.

 

 

At tama nga ako. Si Celine ang kausap niya.

 

 

“Kanina ko pa kayo hinihintay dalawa.”

 

 

Dalawa? Ako at si Celine? Bakit naman kaya?

 

 

“May papagawa po ba kayo sa amin sir?” hindi na ko makatiis kaya nagtanung na ako.

 

“Ah, yes. I want to ask a favor from the two of you. No. Not a favor. I want you to do it.”

 

“Ano po yun sir?” tanong ni Celine.

 

“I want you two to be the president and the vice president of the Math organization here in our school. You see, graduating na kasi ang mga kasalukuyang  officers ng math org. Busy na sila. Kaya kailangan ko nang humanap ng bagong mamumuno nito. And since the two are the most outstanding student in math , naisip kong kayong dalawa na lang ang pumalit sa kanila.”

 

“Kami pong dalawa?” sabay pa naming sabi yun Celine.

 

“Yes. The two of you.”

                                           

“Bakit naman po ako sir? Hindi naman po ako ganun kagaling sa math.” Tanong ni Celine.

 

 

Ano ba to? Ayaw niya ba kong makasama? Kung ibang babae to papayag na agad. Pwes ako, ayaw ko din sa kanya!

 

 

“Your grade in math is 96 Miss Torralba. Hindi ba magaling yun?”

 

 

Nagulat ako sa sinabi ni sir. 96? One point lang ang taas ko sa kanya? Magaling nga. Napatingin ako sa kanya at nakita kong napayuko siya.

 

Talagang naaasar na ko dito ah. She didn’t like me that much? Lagot ito sa akin.

 

“We’ll do it sir.” I said it to my teacher while looking at Celine. Mukang nagulat siya sa sagot ko kaya napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya na parang sinasabing lagot siya sa akin.

 

“Well, are you ok with that Miss Torralba?”

 

“Yes sir.” Sagot niya. At parang no choice talaga siya ah.

 

“Ok. Good. You’ll start next week. You may go now.”

 

 

Nauna na kong lumabas ng office. Nang makalabas na din siya, hinawakan ko yung braso niya.

 


“You don’t like me that much huh?” I smirked.

 

“H-huh? A-anong sabi mo? ”

 

“Bakit hindi ka nalang tumanggi?” naramdaman kong nanlalamig siya. nanginginig din yung kamay niya.

 

“H-hindi naman sa ganun. K-kasi, k-kasi. Bitawan mo nga ako!”

 

 

At bigla nalang siyang nagtatakbo. Anong problema nun?

Chapter 5 >> 

comments powered by Disqus
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola