Copyright © 2011 PollyNomial Stories. All rights reserved.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Disclaimer: I do not own any of the photos & gifs used in this page unless stated. 

 Is Your Crush Meant For You?


Entry

Click mo lang sa baba kung anung part/chapter ang guston basahin.

| Prologue | 

Chapter 1Chapter 2Chapter 3Chapter 4Chapter 5Chapter 6

| Chapter 7 Chapter 8Chapter 9Chapter 10Chapter 11Chapter 12Chapter 13



CHAPTER 3

 

 

 

[ENZO’S POV]

 

 

 

Start na ng klase. And as usual, iniwan nanaman ako ni Vans. Nabuwiset nanaman siguro dahil sa pang-aasar ko.

 

Math pa naman tong  first subject namin, tapos wala siya. For sure, di ko ito magegets.

 

Kainis!

 

Mahina pa naman ako sa Math.

 

Nung nagpasabog naman kasi ng katalinuhan sa math ang Diyos, wala ako. Kasama ko ata yung mga girlfriend ko nun. Hehe. Or tulog siguro ako.

 

Si Vans lang ang nagtiyagang lumabas, magdala ng balde at saluhin lahat lahat ng talino sa math. Ayan tuloy, walang natira para sa akin.

 

Well, siyempre di ako papatalo. Nung nagpasabog naman ng kagwapuhan ang Diyos, ako lang ang lumabas. Hindi ko ginising si Vans. Yan tuloy, wala pa sa kalingkingan ko ang kagwapuhan niya. Hahaha. Yabang ko no.



Nasalo ko din lahat ng mga positive traits ng isang lalaki. Of course, kasama na dun yung pagiging gwapo ko. Friendly din ako kahit hindi pa tayo close. At mabait ako sa mga biyaya ng Diyos sa mga kalalakihan. At yan ang mga bagay na kahit konti manlang ay wala si Vans.

 

Napakasungit kasi nun. Especially sa girls na hindi niya kilala. Kaya nga hanggang ngayon, hindi pa nagkaka girlfriend yan eh. Ewan ko kung dahil masungit siya, o talagang torpe lang siya.

 

 

 

 

Teka! May naiisip ako. Hindi kaya…

 

 

 

 

Oh God! Bakla ang pinsan ko? Naku! Diyos ko po. Wag naman. Sayang ang lahi namin.

 

 

 

Natigil ako sa pag-iisip ng kung anuano nang may dumaan na babae sa labas ng classroom namin. Nakasilip pa siya dito sa loob ng classroom namin at parang may hinahanap na kung sino.

 

 

Wait a minute.

 

 

Siya yung babae kanina sa may hallway. She’s the one who didn’t even bother to look at us nung dumaan kami dun kanina. All the girls were staring at us, giving us something, saying hi to us. Even her friend is looking at us. But her, I don’t know. She’s so different.

 

Ewan ko kung napansin din ba yun ni Vans, pero ako, sobrang naiintriga ko sa kanya. Sa lahat kasi ng girls dito sa school, siya lang yung may ganyang ugali.

 

Actually, matagal ko na siyang napapansin. Madalas namin siyang makasalubong ni Vans and as usual, parang wala siyang pakialam sa amin.

 

 

Mayamaya lang ay napatingin siya sa akin, nginitian ko siya. Pero nung makita niya yung ginawa ko, umiwas siya ng tingin.

 

I don’t know whats with this girl kaya naisip kong alamin yun. Naiintriga ko sa kanya. And I’m willing to know her more. Kung bakit kakaiba ang ugali niya sa mga nakasanayan na naming babae ni Vans.

 

 

 

 

---

 

 

 

 

 

[CELINE’S POV]

 

 

 

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit wala si Vans kanina sa classroom nila.

 

Dumaan kasi ako kanina dun so I can see him again pero wala akong nakitang Vans. Yung pinsan lang niya na si Enzo ang nadoon kanina. Nagulat pa nga ako dahil nakita kong nakatitig siya sa akin at ngitian pa ako.

 

Hay naku! Feeling siguro nun siya yung tinitingnan ko dun. Asa siya. Kala siguro niya, isa ko sa mga babaeng may gusto sa kanya. I’m not one of those girls na dadaan lang sa classroom para magpapansin. Maybe I’m one of them pero hindi ako sa kanya nagpapapasin no. kay Vans ko lang ginagawa at gagawin yun.

 

Grabe. Ang feelingero talaga ng lalaking yun. Mas ok na sa akin yung mga guy na kagaya ni Vans na masungit kesa naman sa mga kagaya niya na babaero.

 

Ewan ko nga kung bakit naging magpinsan yung dalawang yun eh. They are so different from each other. Buti na lang hindi siya kagaya ni Vans.

 

 

That’s why I like him. Dahil kahit hindi malapit si Vans sa mga babae, ginagalang niya pa rin sila. Sa pamamagitan nga lang ng pagsusungit. Pero at least hindi siya kagaya ni Enzo. Lahat nalang pinapatulan.  

 

Mga babaero nga naman.

 

 

 

So back to the main topic tayo, nasan kaya si Vans? Nagcutting kaya yun?

 

Mahilig kasi yun magcutting eh. Isa nga yun sa mga kinainisan ko sa kanya dati. Pero siyempre ngayon, naiintindihan ko na siya. malay mo naman talaga boring yung klase. Saka matalino naman si Vans. Kaya ok lang kahit di na siya umattend ng mga klase niya.

 

 

 

--- 

 

 

 

Dismissal time na. trinay ko paring hanapin si Vans pero wala talaga siya. Umuwi na nga siguro yun.

 

 

“Celine, sabay tayong umuwi ha.” Sabi sa akin ni Elaine habang nilalagay niya yung mga gamit niya sa locker niya.

 

“Kailan ba tayo hindi nagsabay?”

 

“Ay, oo nga. Hehe.”

 

 

Nilagay ko na din yung mga gamit ko sa locker at umuwi na.

comments powered by Disqus
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola