Copyright © 2011 PollyNomial Stories. All rights reserved.
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Disclaimer: I do not own any of the photos & gifs used in this page unless stated.

Is Your Crush Meant For You?


Entry
Click mo lang sa baba kung anung part/chapter ang guston basahin.
| Prologue |
| Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 |
| Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 |
Chapter 2
[VANS’ POV]
]“Insan, ang dami mo talagang fans. Syempre pati ako. Hanep! Parang F4 lang. HAHAHA!” Tumatawang sabi ni Enzo.
Pagpasok pa lang kasi namin ng school kanina sinalubong na agad kami ng mga babaeng classmate, batchmate at schoolmate namin. Halos lahat na ata ng babae nandun. Kahit ata janitor eh.
Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa dahil ang daming babae na nagkakagusto sa akin o mainis dahil para na silang mga tanga. Kanina, habang naglalakad kami, kaway sila ng kaway sa akin. Yung iba naman may binibigay pa sa akin na mga chocolate, cake at kung anu ano pa. Para rin silang mga linta kung makadikit sa akin. Hindi naman sa nandidiri ako sa kanila, pero kala mo kasi kung sino eh. Isa pa naman sa mga ayaw ko eh yung feeling close.
Tsk! Para kaming santo ni Enzo! Kulang nalang maghagis sila ng bimpo tas ipunas samin tas aamuy amuyin nila. Kadiri!
“Hanep ka talaga insan! Biruin mo, ang daming mga babae na nagkakagusto sa iyo. Pero siyempre one forth palang yan ng mga babaeng nagkakagusto sa akin. HAHA!”
“Tumahimik ka na nga diyan. Naiirita na nga ko sa kanila eh. Ikaw ba hindi naiinis diyan sa mga babae mo.” Tanong ko sa kanya.
“Ano ka ba?! Enjoy kaya. With all those girls surrounding me, it feels like heaven.”
“Babaero!”
“Hoy! Mag-ingat ka dyan sa mga sinasabi mo insan! Hindi ako babaero! “
“Eh anung tawag sayo?”
“Well, isa lang naman ako sa mga magagandang biyaya ng Diyos sa mga kababaihan. At andito ako para pasayahin sila. Ginagawa ko lang ang misyon ko dito sa earth no! Baka mamaya hindi ako papasukin sa heaven dahil hindi ko nagawa yung pinapagawa sa akin ni Lord”
“Lol! Adik ka!” tinawan ko na lang siya.
Baliw talaga itong pinsan ko. Oo. Tama kayo ng rinig. Pinsan ko nga tong lalaking ito. Sa lahat ng mga pinsan ko, siya ang pinakaclose ko. Ewan ko nga kung bakit eh. We are very opposite. Kung gaano ako kasungit, ganun naman siya kafriendly. Hindi ako mahilig makipagfling sa mga babae pero siya, halos araw araw ibaiba kasama. Hindi ko alam kung paano kaming nagkakasunsong dalawa. Sa kalokohan siguro. Dun lang kame nagkakasundo.
“Pero Vans, may napansin ako kanina ah.”
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ano nanaman kayang napansin nito? Napansin rin kaya niya na…
“Ano?”
“Yung isa dun sa mga babae dun sa labas ni hindi ka man lang tiningnan. As in kahit sulyap lang wala. Hindi ka manlang niya nilingon. HAHAHAH! Siguro sa akin may gusto. HAHAHAHAHAHA—ARAY!!”
Binato ko siya ng notebook. “Shut up bro! Ang ingay mo na.”
“Oho! Tatahimik na! Ay, takte. Ang sakit.” hinimas himas pa niya yung ulo niya na natamaan ng notebook na binato ko.
Napansin rin pala yun ni Enzo. There’s this girl kasi kanina na kakaiba. Siya lang kasi yung babaing hindi manlang ako tiningnan. Yung kasama niya lang kanina yung nakatingin sa akin. Hindi naman sa assuming ako na dapat lahat ng babae pareparehas ng approach sa akin. Pero kakaiba talaga siya eh. Hindi ko maexplain kung bakit.
Matagal ko nang kilala yung girl na yun.
She’s Celine Marie Torralba. Ang babaing kahit minsan hindi nagpakita ng interes sa akin.
She’s so different from all the other girls I’ve known. We’ve seen each other in school several times but there is no sign of her liking me.
Maybe I’m not his type.
Maybe it’s because of that incident.
Hindi ko alam kung bakit pero tandang tanda ko pa yung nangyari nun.
Tumatakbo ako nun papunta sa classroom namin dahil malelate na ako. Hindi ko napansin na may makaksalubong na pala ako. Tumatakbo rin ata siya nun kaya ang lakas ng impact ng banggaan namin. Bumagsak tuloy siya. Nasugatan pa nga siya nun at hindi makatayo dahil nasprain yung paa niya.
Nagsorry ako sa kanya pero sinigawan niya lang ako. Kakaiba talaga siya. Kung ibang babae na siguro yun eh magtititili na kapag nalaman nila kung sino nabangga nila. Hindi niya ko siguro kilala.
At dahil nakita kong mukang galit siya, nag-offer ako na tulungan siyang makatayo. Binuhat ko siya papunta sa clinic. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa clinic. Nung nakita kong inaasikaso na siya ng mga nurse, nagpaalam na ko sa kanya. Binigay ko pa sa kanya ang number ko nun. Sinabi kong kung sakaling may kailangan siya ay pwede niya kong tawagan.
Inasahan ko na tatawag siya o magtetext sa akin pero hindi na nangyari yun. Baka hindi na niya kailangan ng tulong ko.
Simula nung incident na yun, madalas na kaming nagkikita. Pero kagaya nga ng nangyari kanina, hindi niya ko tinitingnan at pinapansin. Pero bakit nga naman kasi niya ko papansinin? Eh hindi nga niya ko kilala. At baka nakalimutan na din niya yung nangyari.
Pero imposible naman na hindi niya ko kilala eh. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero, sikat kaya ko dito sa school! O baka naman hindi niya ko type. Baka tama si Enzo. Sa kanya may gusto yun.
Parang nainis ako dun sa thought na yun.
Ay naku! Ano ba tong mga naiisip ko? Pakialam ko ba dun sa girl na yun?!
“Nakakabadtrip!!!---Aray!”
May bigla nalang tumamang matigas sa ulo ko.
Pagtingin ko kay Enzo, tumatawa siya. Nakita ko rin yung libro na bumagsak sa sahig.
“HAHAHAHA!!! Ang kulit ng itsura mo insan! Kung nakita mo lang istura mo kanina! HAHAHAHAHAHA!!! Sumisimgot tas nangigiti tas bigla nalang kumukunot yang noo mo. Para kang ewan. HAHAHAHAHAHA!!!”
“GAGO! Ang lakas ng trip mo ngyon Enzo! Bahala ka na diyan!” sigaw ko sa kanya. Tumayo na ko at kinuha yung bag ko.
“HOY! San ka pupunta?”
“Uuwi na ko.”
“Uuwi ka na agad? Kakapasok lang natin ah! Tsaka may bagong lesson daw na ituturo sa math!”
“Alam ko na yan. Kayang kaya ko na yan.”
Bago pa niya ko pigilan, tumakbo na ko palabas ng room namin.
Ano nga ba kasing nangyayari sa akin? Sumisimangot daw ako tas nangingiti kanina. Dahil ba yun dun sa babaeng kanina pa laman ng isip ko?
Ang tagal na nung mangyari yun pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan.
Hindi ko siya makalimutan.
Celine Marie Torralba, anu bang meron sayo at kahit 1 year na nakalipas since that incident eh naiisip parin kita kahit hindi naman dapat?