Copyright © 2011 PollyNomial Stories. All rights reserved.
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Disclaimer: I do not own any of the photos & gifs used in this page unless stated.

Is Your Crush Meant For You?


Entry
Click mo lang sa baba kung anung part/chapter ang guston basahin.
| Prologue |
| Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 |
| Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 |
“CEELINEEE!!! Hoy! Halika! Andun na siya! Andun na siyaaaa!” nagtititiling sabi ni Elaine sa akin.
Nakita ko pa siyang tumatakbo papalapit sa akin pero di ko siya pinansin. Nakapangalumbaba lang ako habang tinititigan yung sinusulat ko sa notebook. Nangingiti-ngiti pa ako.
“Hoy! Anu ba! Kanina pa kita tinatawag ah!!!” sigaw niya sa akin. Kinuha niya yung notebook ko. “Ano na naman ba yang ginagawa mo? Ay! Puro pangalan nanaman ni Vans to ah. Babaita ka! Adik ka na talaga sa kanya.” Sabi niya tas biglang ngumiti ng nakakaloko.
“Shhh.. Anu ba! Wag ka namang maingay. Baka marinig ka ng mga classmate natin. Anu ba kasing nangyayari at tumitili ka pa dyan?!”
Anu nanaman kayang meron dito?
“Sorry naman po. Kasi naman po, yung Vans mo, andyan na siya sa labas.” ininguso pa niya yung pintuan namin. “Dadaan na siya. Ano? Uupo ka nalang ba diyan o gogora na tayo para makita siya?”
“Si Vans?! Andyan na si Vans?!” tanong ko.
“OO NGA! Paulit ulit?”
“YIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!! Andyan na siya? Asan siya?”
Nung marinig ko ung pangalan ni Vans, para kong nabuhayan ng dugo. Halos lumabas na yung puso ko sa dibdib ko dahil dun. Kaya naman pala sigaw ng sigaw tong bestfriend ko. Andyan na pala si Vans. At ayan siya ngayon, talon ng talon. Kilig na kilig.
“Teka! Bakit parang ikaw pa may crush kay Vans? HA? Tumatalon talon ka pa dyan.” Tanung ko sa kanya habang patakbong naglalakad palabas ng classroom namin. Aba! Kung makatalon naman kasi kala mo siya yung may gusto kay Vans. Minsan talaga naghihinala na ko dito sa kaibigan ko eh.
“Hindi no! anu ka ba?! Kinikilig lang ako para sayo.”
“Ewan ko sayo!” inirapan ko nalang siya.
Ganyan talaga yang bestfriend ko. Kapag may crush ako, mas kinikilig pa siya kesa sa akin. Minsan nga nagpagkakamalan pa ng mga tao na siya ang may gusto sa mga nagiging crush ko dahil sa mga kilos niyang ganyan. Tatanggihan lang niya lahat ng iyon at sasabihin sa kanila na ako ang may crush sa mga yun. Akalain mo, nang-agaw na nga ng crush, aba’t nilaglag pa ko. Bestfriend talaga. Tss.
Nakalabas na kame ng classroom at nasa may hallway na para makita ko ang pagdaan ni Vans.
“Uy best ayan na siya.” Bulong sakin ni Elaine habang sinisiko ako..
Bago pa makadaan si Vans sa harap namin, tumalikod na ako.
“Oh! Bakit ka tumalikod?” tanong sa akin ni Elaine.
“Baka kasi mapansin niya ko. Ewan. Nahihiya ako.”
Everyday ko itong ginagawa. Sa tuwing dadaan siya, tatawagin ako ni Elaine at lalabas kame para tumambay dito sa may hallway at hihintayin siya na dumaan sa harap namin. Pero kapag andyan na siya at malapit na sa amin, bigla na lang akong tinatamaan ng hiya. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil iniiwasan kong mahalata niya na gusto ko siya. Kaya tumatalikod ako at hindi ko siya titignan hanggang sa makapasok siya ng classroom nila.
Crush na crush ko si Vans. Second year highschool pa lang kami, crush ko na siya. Kabatch namin siya. His real name is Vans Marvin Esguerra.
Actually, bago ko siya maging crush ay nabwisit muna ko sa kanya ng bonggang bongga. That time, si Elaine pa ang may crush sa kanya. Hindi ko talaga malaman kung bakit niya nagustuhan si Vans nun. Napakayabang, at super masungit kasi ni Vans, lalo na sa mga taong hindi niya close or kilala. Although matalino siya, gwapo at mayaman hindi ko pa rin siya bet. Ewan ko nga kung bakit eh.
Naalala ko tuloy yung nangyari dati nung hindi ko pa siya crush.
[FLASHBACK]
Nasa canteen ako nun at bumubili ng tubig nang may biglang bumangga sa akin. Nalaglag tuloy yung perang ipambabayad ko. Barya pa naman yun, kaya sumabog lahat yun sa sahig. Eto namang si Mr. Sungit, aba! At tiningnan lang ako.
Sinabihan pa ko ng:
“hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh.”
And take note ha. In a very cold tone niya sinabi yun. Hindi manlang siya humingi ng paumanhin.
Ni hindi man lang nagsorry. Kaya simula nun, Mr. Sungit, Bwisit, Antipatiko, at Impakto na ang tawag ko dyan kay Vans. Kala mo kung sino. Hindi porket mayaman siya at matalino eh ganun na dapat ang ugali niya. Sayang. Ang gwapo pa naman niya.
Pero nabago lahat ng yan nung naging second year highschool na kami.
First day of classes noon at nagtatatakbo na ko dahil malelate na ako sa first subject ko. Nabalitaan ko pa naman kay Elaine na ang magiging teacher namin ay si Mr. Angeles, ang pinakastrikto at kinatatakutan ng lahat na teacher sa school namin.
Ayoko naman na fisrt day palang ay bengga na ko dun kata nagmamadali ako.
I was in the middle of running when I bumped someone.
Sa sobrang lakas ng impact, bumagsak ako sahig. Susko! Parang napipi yung pwet ko nun. Then pagtingin ko may sugat na yung tuhod ko. Ayoko pa naman na nagkakasugat ako. Lalo na sa legs! Ang ganda kaya ng legs ko! Tas magkakapeklat lang? Hindi rin ako makatayo. Nasprain ata yung paa ko.
Bwisit naman talaga tong hinayupak na bumangga sa akin!!
“Miss, are you okay?” narinig kong tanong nung nakabangga ko.
Nainis ako sa tanong niya.
Muka namang nag-aalala yung boses niya pero naiirita talaga ko. Ewan ko ba kung bakit.
“Muka ba kong okay? Nakita mo na ngang hindi ako makata---“ natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino yung nakabangga ko. Tingnan mo nga naman oh. Talagang yung kinaiinisan ko pa talaga yung dahilan kung bakit nagkasugat ang tuhod ko. The one and only Vans Marvin Espiritu. MALAS!!!
“Sorry miss. Tulungan na kita diyan.” Inabot pa niya yung kamay ko para matulungan akong makatayo. Nagtaka ako sa ginawa niya. Pero nagpatulong na din ako. Hindi rin kasi talaga ko makatayo dahil masakit yung paa ko.
Dinala niya ako nun sa clinic. At take note, buhat buhat niya ko. Yung para bang bagong kasal. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya. Parang ibang Vans yung kaharap ko. Ang gentleman.
After niya kong dalin sa clinic, nagpaalam siya sa akin.
“Sige, mauna na ko. Here’s my number. Just call me kapag may kailangan ka. Sorry talaga kanina ha?.” Then he smiled at me.
The moment I saw his smile, my world turned up side down. Yun na ata ang pinakamagandang smile na nakita ko. My heart skipped. Then parang may nafeel akong saya nung ngumiti siya. And after nun, naging crush ko na siya.
[END OF FLASHBACK]
Hehehe. Ang landi no? Makalaglag panty kasi naman talaga yung ngiti niya. Tsaka first kong makita siyang ngumiti kaya ayun.
Iyan ang dahilan kung bakit nabago ang tingin ko kay Vans. Kahit na masungit at napakayabang ng tingin ko sa kanya, marealize ko na may tinatago rin pala siyang kabutihan.
And that’s how our story began…
With just one smile, hindi ko akalaing mababago ang tingin ko sa kanya.