Copyright © 2011 PollyNomial Stories. All rights reserved.
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this pages may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Disclaimer: I do not own any of the photos & gifs used in this page unless stated.
I Love My Textmate
a short story by PollyNomial

It’s been 6 months, 8 days, 12 hours since makilala ni Chin si Niko. Ang lalaking hindi niya akalaing mamahalin niya.
[FLASHBACK]
Halos 4 months nang nakakatext ni Chin si Niko pero hindi pa rin siya nagsasawa rito. One time kasi, sa sobrang pagkabored niya, kinalikot niya ang cellphone ng friend niya to find a new textmate. Nakita niya ang name ni Niko sa phonebook nito then naalala niya na ito yung kinekwento ng friend niya na sobrang boring katext. She doesn’t know why, but she became interested with this guy. So she tried to get his number and save it on her phonebook.
The next day, she texted him.
To: 09******680
--Hi. ^_^
After a few minutes, he replied.
*beep beep*
Fr: 09******680
--Hello. Who’s this?
She doesn’t know why, but after she read the message of this guy, she felt something unusual inside her.
To: Niko
--Hi. I’m Chin. You’re Niko right?
Fr: Niko
--Yes.
She realized that her friend was right. Boring nga siya katext. Parang walang feelings. Sobrang ikli niya magreply habang siya naman parang nobela na yung message niya. At hindi pa marunong mag smiley.
Halos araw araw silang magkatext pero as usual, ganun pa rin siya. So, she thought of something she can do to change it. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya. Naisip kasi niyang sabihin kay Niko na gusto niya ito. Well totoo naman yun. She really like Niko. Baka sakaling kung sabihin niya rito na gusto niya ito eh magbago ang pakikitungo nito sa kanya.
At tama nga ang ginawa niya. Dahil after niyang sabihin yun, naging mabait na si Niko sa kanya. Mas feel na niya itong katext, nakikipagbiruan na din ito sa kanya at higit sa lahat, may smiley na ang mga text nito sa kanya. Sa smiley niya kasi nafifeel kung masaya ba yung taong katext niya.
Naging close na din sila although hindi pa sila nagkikita in person. At dahil sa closeness nila, naging comfortable na sila sa isa’t isa at kahit personal things ay napagkukwentuhan na nila.
Kinwento niya nga rito yung guy na dahilan ng pagiging broken hearted niya. Nasabi rin niya na hindi niya alam kung mahal pa niya yung guy pero alam niya sa sarili niya na espesyal parin ito sa kanya. Na may part pa rin sa puso niya na ito ang nagmamay-ari. Binigyan siya nito ng mga advice at sinabing t*nga lang ang lalaking hindi siya magawang mahalin.
Hindi nagtagal ay naging mas close pa sila. Hanggang sa si Niko naman ang nagshare sa kanya ng mga problema nito.
Nagkwento nito sa kanya at nagulat siya sa nalaman niya. Mahal pa pala ni Niko ang ex girlfriend nito. Hindi niya alam kung bakit pero parang may kirot siyang naramdaman nang malaman niya yun. Mas lalo pa siyang nasaktan nang malaman niyang nasasaktan si Niko dahil sa girl na mahal nito.
Inisp niya kung bakit ganung ang mga nararamdaman niya until she realized that she love him. Alam niyang mali pero yun ang nararamdaman niya. Mali dahil hindi pa sila nagkikita. Mali dahil hindi pa niya ito ganoon kakilala. Pero mali ba ang umibig? Hindi naman masama ang umibig diba? Minahal niya siguro ito dahil tinulungan siya nitong kalimutan ang nakaraan niya.
After she realized her feelings for him, she decided not to tell it. Dahil bukod sa may iba na itong mahal, alam niya na imposibleng mahalin din siya nito.
Until one day sinabi nito sa kanya na nagkabalikan na daw ito at ang ex girlfriend nito.
Niko: Chin, nagkabalikan na kami. Ang saya saya ko. \(*"*)/
Me: Talaga? Sabi naman sayo eh. Dadating din ang time na marerealize niya na mahal ka niya. Tama lang na naghintay ka. ^__^(^"^)
Niko: Oo tama ka nga. Tnx friend.Labyu. ^_^
Dahil sa nalaman niyang iyon, isa lang ang gusto niyang gawin. Gustong gusto niyang umiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman niya.
After that, she decided to give herself a deadline. On her birthday, aamini niya kay Niko na mahal niya ito and at the same time, magpapaalam na rin siya rito. Hindi niya alam kung bakit sa dinamirami ng araw eh sa birthday pa niya naisipan magsabi ng mga katagang “I love you, Goodbye” sa taong mahal niya. Maybe because it’s a new year, a new life for her. A chance so that she can start anew. A chance para kalimutan si Niko.
Days past, ganun parin sila. Kagaya ng dati. Pero ang nag-iba lang, mas madalang na silang magkatext. Siguro ay dahil busy na ito sa girlfriend niya.
Until the most awaited day finally came. Her birthday.
She received a message from the guy she love.
Nagulat siya nang makita niya na tula ang message ni Niko sa kanya. And at the end of the poem may nakalagay na,
“Happy Birthday Chin. Hope you like my gift for you. Ako gumawa niyan ha. Nosebleed ako dyan. Haha. Kaya sana kalimutan mo na siya at maghanap na ng iba. Para parehas na tayong masaya.(^___^) friends forever ha. Hope nothing will change. Please don't change."
Nang mabasa niya ang poem na gawa ni Niko, narealize niya na tama ito. Tama ang nakalagay sa tula. She needs to move on at kalimutan na ang nararamdaman niya dahil wala naman iyong patutunguhan. Kaya naman nakapagdecide na siya na umamin dito.
Me: Niko, I want to tell you something.
Niko: Anu yun?
Wala nang paliguyligoy pa. Sasabihin na niya iyon.
Me: I love you.
Niko: What!
Me: I love you and I’m letting you go. No. Mali. Bakit pala kita ilelet go eh hindi ka naman naging akin. Basta. Mahal kita Niko at simula ngayon ititigil ko na ito. Tama ang tula. I should forget my feelings for you. I just want you to know that I love you so much and........ goodbye.
Niko: Ok. Goodbye Chin. Ingat ka palagi. Thanks for the friendship. Thanks sa lahat.
[END OF FLASHBACK]
And after that, wala na. Wala na rin akong nareceive na kahit anong message from him.
It’s time to move on and forget.
"I should forget how it hurts and maybe, try again."
THE END.